Manang and I went over some of her old compilations and this is what I found...
This was originally written in June 10, 1999 and was part of manang’s assignment in Filipino writing. I think the assignment then, was for them to write a short story about their saddest experience…
Title: Dahil Gusto Niya
By Aki Mitsui
Hindi pamilyar sa akin ang suliranin. Madalang ang dating sa akin ng problema. Ni problema ng mga kaibigan ko ay hindi ko dinadamdam masyado. Ngunit bakit ba sa lahat ng mga bagay na aking pag-uukulan ng pansin, ay ang grupo pa ng asong iyon. Alam ko mahirap paniwalaan. Kakaunti lamang ang mga taong handing umiyak sa pagkawala ng kanilang mga alaga. Maraming beses na rin akong umiyak sa pagkamatay ng aso ko… may higit sampung beses na siguro. Pero hindi pa ako naka dama ng ganitong uri ng kirot sa aking puso. Para bang nawalan ako ng kapamilya… para bang nawalan ako ng isang bahagi ng aking pagkatao.
March 20 ang araw na iyon. Masaya. Palibhasa kasi’y tapos na ang klase. Umuwi na ako ng bahay at nadagdagan ang tuwa sa aking mukha nang malaman ko na nanganak si Mommy Melds, ang aming aso. Ika-anim na niya ito, noong isang araw ay nanganak din ang kanyang panganay. Mas nagustuhan ko ang anak ng panganay niya. Hindi ko pinansin ang mga tuta niya. Palibhasa kasi’y magkamukha lahat, maliliit pa ang mga katawan nito. Ngunit gayunpaman ay pinangalanan ko sila.
“Saito” sabi ko.”Saito ang magiging pangalan mo”. At pagkuway ay kinuha ko siya. Napakaliit niya, butuhan ang kanyang katawan. Siguro dahil siya ay dalawang araw pa lamang. Pagkatapos hipuin ang kanyang balahibo ay pinangalanan ko na ang iba…
“Aeoshi, Syxx, Iori, Kim, Yuri, Harry at Zo. Hayan, may pangalan na kayong lahat!” sabi ko.
Pagkatapos ng isang lingo, namatay ang mga anak ng panganay na anak ng aso ko. Mula noon ay binuhos ko na ang aking oras at panahon sa kanila. Araw-araw ay ako ang nagpapakain, nagpapaligo. Halos kalahati ng libreng oras ko ay inuubos ko sa kanila, mula paggising sa umaga. Masaya ang bawat oras na ginugugol ko sa paglalaro sa kanila. Naging paborito ko si Syxx. Pero si Aeoshi ay para bang isang bata na humihingi ng atensyon.
“sip-sip” yan ang tawag naming sa kanya.
Mahilig siyang umakyat sa aking paa tuwing manonood ako sa mga isda sa “make-shift fish pond” naming. Gustung- gusto niyang kandungin. Tuwing lumalabas ako ng bahay ay sinasalubong nila ako. At siya ay palaging nasa unahan ng pila.
Mahal nila ako, alam ko ‘yon. Hindi ‘yon maitatanggi ng mga kapatid ko. Kung aalis daw ako ay nalulungkot sila- hinahanap nila ako. Mahal ko rin sila- mahal na mahal. Natuto akong ipaglaban sila sa aking mga magulang dahil ayaw ko silang ipamigay. Sabi ng tatay, labindalawa na raw ang aso dito, masyado nang marami. Umiyak ako. Ayoko silang ipamigay.
Maraming beses na itong ginawa ng tatay ko. Noong ika-11 ng June 1997 ay pinamigay niya ang paborito kong tuta. Wala akong kaalam alam tungkol dito. Nagulat na lamang ako ng madatnan kong wala na siya sa bahay pag-uwi ko. Syxx din ang pangalan nya. Kaya nga gustung-gusto ko talaga ang pangalang iyon. Sinabi ko sa sarili na hindi na iyon mauulit pang muli.
Ngunit dumating ang araw na kailangang ipamigay ang dalawa kong tuta. Ayokong sumunod sa kanila. Pero sa huli, sila ang nagtagumpay. Naiinis ako sa kanila… Naiinis ako!
Nilalagnat noon si Syxx. Hindi ako mapakali kung ano ang uunahin ko. Hindi na ako nakapag-isip ng husto sa aking gagawin. Kinulong ko si Syxx upang hindi mahawa ang iba. Pinadukturan ko siya. Pero walang nagawa ang doktor. Namatay si Syxx noong ika-23 ng Mayo. Mula noon ay inalagaan ko ng mabuti ang apat na natira.
La Nina kasi noon, kaya malakas ang ulan. Kakasimula pa lamang ng review namin sa NSAT nang nilagnat si Iori. Noong gabi ng June 1, pinainom naming siya ng gamot pero malakas noon ang ulan- napakalakas.
Habang pinipilit ko siyang kumain, kinukulit ako ni Aeoshi. Nagpupumilit siyang magpakandong. Inapakan niya ang putting pyjamas ko at naupo sa aking kandungan. Natawa ako sa kanya ngunit naawa rin ako sa kapatid niya. Basa noon ang bahay nila kaya pansamantalang pinatira naming si Iori sa room na lalagyan ng washing machine. Nang umaga ng ika-2 ng June, namatay si Iori, sinundan siya ng kamukha niyang si Yuri. Natakot kami. Siniguro naming ligtas sina Aeoshi. Ayaw naming mawala sila.
Ngunit noong ika-4 ng June, nilagnat si Aeoshi. Pinainom naming sila ng gamot, pinakain ng marami at kung anu-ano pang pangangalaga ang ginawa namin. Inakala naming magaling na sila dahil kumakain na ng kaunti si Saito.
Nang kinaumagahan ng June 6, maaga pa kaming nagising upang bantayan sila. Nakita ko si Saito sa porch, nakahiga malapit kay Mommy. Butuhan na siya, katulad ni Aeoshi. Lumakad siya patungo sa kusina at natulog malapit sa kapatid. Ako naman ay naupo malapit sa kanila at hinipo-hipo sila. Parang gusto ko nang umiyak, ngunit pinilit kong magpakatatag sa kanilang harapan. Pumunta ako sa fishpond at naupo sa gilid nito. Sumunod si Aeoshi at natulog sa aking paa. Mga ilang minuto na siguro ako sa ganoong posisyon ngunit hindi ko ginalaw ang aking paa dahil ayaw ko siyang magising.
Umupo ako sa tabi niya, nangangawit man ang paa ko ay aking tiniis. Para bang nararamdaman kong papalayo na siya sa akin. Pinigil ko ang aking mga luha. Nabigla na lang ako ng sinabi ng kuya ko na wala na si Saito. Nabigla ako ngunit hindi ko ginalaw ang paa ko. Ayokong biglain si Aeoshi. Kinatagalan ay umalis din siya. ‘Yon na ang pagkakataon ko. Umiyak ako habang tinitingnan si Saito. Nakapikit ang mga mata nya, tulad ng hiling ng kuya ko.
Binantayan naming si Aeoshi buong hapon. Umupo kami sa tabi niya. Makikita sa kanyang mukha ang hirap na dinaranas, ngunit patuloy ko siyang binabantayan.
“Aeoshi, kayanin mo. Kaya mo iyan. Magpagaling ka, at pagkatapos noon ay ibibili kita ng donut.. yung pinakamahal.. sige na Aeoshi… please?!”
TIningnan niya ako, lumalakas ang tibok ng puso niya, patuloy sa pagtaas ang kanyang dibdib. Sinabihan ako ng kuya na huwag umalis kasi hinahanap niya ko. Iniwan ako ng kuya na kasama si Aeoshi.
“Aeoshi, mahal kita.. please… gagaling ka.. please?.. mahal kita, Aeoshi..”
Tiningnan niya ako at balak sanang itaas ang buntot, ngunit wala siyang lakas. Napaiyak ako. Humagulgol. Dahil alam ko kung ano ang balak niyang gawin.
“Aeoshi, ‘wag kang magpatalo, please….”
Iniwan ko muna siya ng ilang minuto. Pumunta siya sa fishpond habang tinitingnan namin siya. Nakatingin siya sa akin at ang kanyang mata’y kumikislap, ngunit sa likod nun ay makikita mo ang hirap na dinaranas niya.
Alam kong hindi ko matitiis na mawawala siya. Ngunit mas hindi ko matitiis na mamuhay siya sa hirap.
“Aeoshi, mahal kita, at kung ano ang gusto mo, iyon na lang ang gawin mo.. Pero kung pwede sanang mabuhay ka.. kung pwede sana…”
Umalis ako at pumasok sa bahay. Iniwan ko si Aeoshi dahil alam kong gusto niyang mapag-isa. Ayokong makita ang paghinto ng kanyang paghinga..
Namatay si Aeoshi na maraming iniwang alaala sa amin. Alam kong mangyayari ‘yon ng sinabi ko sa kanya na gawin kong ano ang gusto niya. Masakit man sa akin ay kinailangan ko iyong gawin. Hindi man ako masaya sa naging desisyon ni Aeoshi ay tinanggap ko ‘yon dahil iyon ang kagustuhan niya. Kailanman, hinding-hindi ko maatim na maging masaya sa kabila ng kahirapan ng iba. Nagpapasalamat na lang ako at may naiwan siyang alaala sa akin. Mabuti na lang at napagbigyan ko sila sa kanilang kagustuhan na makapasok ng bahay bago mahuli ang lahat. Sa aking pagtatapos, gusto kong magpasalamat kay Aeoshi at sa kanyang mga kapatid sa pagbigay sa akin ng mga tunay na kaibigan. Sana ay masaya kayo sa inyong kinalalagyan at sana sa ating maikling pagsasama ay natumbasan ko ang inyong inukol na pagmamahal. Alam kong sa susunod ay may darating din na isa pang Aeoshi sa buhay ko, at sana ay tatagal na siya..
Note from the Inu Ogler: Sometimes, simple love isn’t enough. This was the hardest lesson that I’ve learned in my life. A few years after my precious Laki died, I learned that majority of my puppies’ death was due to parvo.. I am ashamed to admit that I was an ignorant manang for so many years *sob*. My dogs back then were never given a single parvo vaccine as I was never aware of this. I was under the illusion that plenty of food, water and love were more than enough. Today, I make sure that Aki and my other siblings visit their vets regularly, and most especially, complete all of their required vaccinations. Before I allow any candle wick’s flames to wither away, I will do all of my best to fan the flames back and keep their fire burning… :(
I am so sorry you guys. I am trying my best to be a better manang. :(

No comments:
Post a Comment